What's on your mind?

What's on your mind?

Share

Life sucks but you have to fight for what you need in your life and never give up.

23/03/2026

And suddenly, the only goal that matters is to live.

Not to impress.
Not to prove anything.
Not to chase what was never meant for you.

Just to breathe.
To survive each day.
To find even the smallest reasons to keep going.

Because sometimes, living is already the bravest thing you can do.

10/03/2026

I’ve been through pain, betrayal, and moments that almost broke me. But one thing I’m proud of is that I never used my pain as an excuse to hurt others.

I know what it feels like to be treated unfairly, to be hurt by the people you trusted. Maybe that’s why I promised myself that no matter how heavy life gets, I will never become the kind of person who caused me that pain.

Instead of letting it turn me bitter, I chose to let it teach me how to be kinder, gentler, and more understanding.

Some people let their pain change them for the worse. I chose to let mine help me grow. 🌱

01/03/2026

Para sa Sarili Ko,

Pagod ka na.
Alam mo ‘yan. Kahit hindi mo inaamin.

Hindi ka manhid. Hindi ka tanga.
Masyado ka lang magmahal.

Ilang beses ka nang nasaktan. Ilang beses mo nang nahuli. Ilang beses mo nang sinabi sa sarili mo na “last na ‘to.” Pero nandito ka pa rin. Umaasa pa rin. Kumakapit pa rin.

Bakit?

Kasi naniniwala ka pa rin sa kanya.
Kasi nakikita mo pa rin ‘yung version niya na mabait, maalaga, at sweet.
Kasi iniisip mo baka ikaw lang ang kulang. Baka kaya pa ayusin.

Pero eto ang totoo:

Hindi mo trabaho ayusin ang taong paulit-ulit kang sinisira.
Hindi mo responsibilidad turuan siyang respetuhin ka.
At lalong hindi mo kailangan magmakaawa para sa bare minimum.

Hindi ka mahirap mahalin.
Hindi ka sobra.
Hindi ka demanding.

Ang mali lang… binibigay mo ang buong puso mo sa taong kalahati lang ang binibigay pabalik.

Alam mo na ang sagot. Matagal na.
Takot ka lang.

Takot sa lungkot.
Takot magsimula ulit.
Takot na baka wala nang ibang magmahal sa’yo.

Pero mas nakakatakot ang manatili sa sitwasyong unti-unti kang pinapatay — emotionally, mentally, pati self-worth mo.

Hindi ka ginawa para magtiis ng paulit-ulit na panloloko.
Ginawa ka para mahalin nang buo.

At kung hindi siya ang gagawa nun,
hindi ibig sabihin wala nang iba.

Minsan ang pagbitaw ay hindi pagkawala.
Minsan, iyon ang simula ng pagbalik mo sa sarili mo.

Please… piliin mo naman ang sarili mo this time.

Mahal ka.
At mas mahalaga ka kaysa sa sakit na ‘to.

— Ikaw, na mas deserve ng better. 🤍

28/02/2026

Kapag ang isang babae ay patuloy na sinosolusyonan ang lahat nang mag-isa habang nasa isang relasyon, tumitigil ang isip niya na makita ang kanyang partner bilang suporta at nagsisimula niya itong makita bilang pabigat. Kapag nagbago ang ganitong pananaw, unti-unting nawawala ang atraksyon kahit gaano pa kahaba ang pinagsamahan nila.

27/02/2026

Minsan kahit sobrang sakit na at sobrang hirap na, pinipili mo pa ring lumaban. Itinatago mo. Kinakaya mo. Hindi dahil wala kang nararamdaman, kundi dahil ayaw mong magmukhang kawawa. Ayaw mong kaawaan.

Pinipigilan mong umiyak. Nagpapanggap kang okay lang. Sinasabi mong kaya mo, sanay ka na. Pero sa totoo lang, habang pilit mong pinapakita na matatag ka, unti-unti ka na palang nauubos.

Darating ‘yung araw na iiyak ka na lang bigla — kahit sa pinakamaliit na bagay. Kasi lahat ng kinimkim mo, sabay-sabay nang lalabas.

Akala mo okay ka. Akala mo malakas ka. Pero tao ka lang din pala. Napapagod. Nasasaktan. Kailangan ng pahinga.

At minsan, ang kailangan mo lang talaga…
isang mahigpit na yakap,
at isang taong magsasabi,
“Okay lang ‘yan. Andito lang ako.” 🤍

25/02/2026

Dati, kapag may masakit — ice cream lang, okay na.
Isang bote ng Coke o Royal, kaya nang patawanin ang lungkot.

Ang dali lang gamutin ng mundo noon.
Ang simple lang ng pahinga.

Pero ngayon… may mga sakit na hindi na natutunaw ng ice cream.
Hindi na nadadaan sa malamig na softdrinks.
Hindi na napapawi ng sandaling tamis.

May mga sakit na tahimik.
Hindi mo maipaliwanag.
Hindi mo maipost nang diretso.
At lalong hindi kayang lunasan ng kahit anong comfort food.

Siguro, habang tumatanda tayo,
hindi lang pangarap ang lumalaki—
pati bigat.

Pero sana, sa kabila ng lahat,
matuto pa rin tayong humanap ng maliliit na bagay
na kahit papaano,
magpapaalala sa atin
na kaya pa. 🤍

24/02/2026

Bigla na lang akong natauhan—
hindi dahil nawala ka,
kundi dahil nawala na ako sa sarili ko.

Akala ko ang pinakamasakit ay ang mawalan,
pero mas masakit palang manatili
sa relasyong ako lang ang kumakapit.

Mas masakit ‘yung kasama kita,
pero pakiramdam ko mag-isa ako.

Mas masakit ‘yung kailangan ko pang magpaliwanag
kung bakit dapat mo akong pahalagahan.

At mas masakit ‘yung mahal pa rin kita,
pero napagod na akong ipaglaban
ang taong hindi na ako pinipili.

Kaya ngayon, pipiliin ko naman ang sarili ko.

23/02/2026

I am a soft-hearted girl.

I love deeply.

I give fully.

I follow you wherever you want to go because I care.

But why is it that when it’s my turn, everything suddenly becomes too hard?

Being soft doesn’t mean I deserve less.

21/02/2026

An Open Letter to My Boss

To my dearest Boss,

First of all, congratulations on your promotion. This new role is so well-deserved, and while I know this is a big step forward for you, I can’t help but feel emotional because you have been such a big part of my journey too.

I still remember when we were in training. I was struggling. I was overwhelmed. There were moments when I doubted myself because I was having a hard time absorbing the lessons. But you never made me feel small. You never made me feel incapable. Instead of giving up on us, you chose to stay patient. You explained things again and again. You made sure we understood. You made sure I improved.

You didn’t just teach processes and metrics — you built confidence. You believed in me during moments when I wasn’t sure I believed in myself. And that made all the difference.

What makes you special is not just your leadership skills, but your heart. You lead with kindness. You correct with understanding. You push us to be better without making us feel less. That’s rare.

Somewhere along the way, you stopped being “just a boss.” You became a mentor, a safe space, and someone I truly consider family. And for that, I will always be grateful.

Thank you for your patience.
Thank you for not giving up.
Thank you for seeing potential in me.

Your promotion is proof of the kind of leader you are — strong, compassionate, and inspiring. Any team would be lucky to have you.

I am proud of you, and I will always carry the lessons you taught me.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sampaloc
Manila
1008