Puhon
Wala sa ngiti ang totoong kwento-
Madalas,sa gabing katulad nito.
27/05/2026
And maybe today, this is your reminder:
You are not late in life.God is simply writing your story differently.
“Feeling mo nahuhuli ka na sa buhay kasi everyone around you seems to be moving forward already.”
Some are getting married.
Some are building successful careers.
Some are starting families.
Some are reaching dreams you’ve been praying for too.
And meanwhile, you feel stuck, delayed, and pressured by your own timeline.
And honestly, comparison can quietly make people feel like they are failing in life.
But one thing the Bible constantly reminds us is this:
God never rushes His plans.
Joseph waited years before the promise was fulfilled.
David was anointed king long before he sat on the throne.
Abraham waited a long time before receiving God’s promise.
Because sometimes God prepares people privately before blessing them publicly.
So stop measuring your progress using someone else’s story.
Your process is different.Your timing is different.And your journey with God is different too.
“For the vision is yet for an appointed time… though it tarry, wait for it; because it will surely come.” — Habakkuk 2:3
And maybe today, this is your reminder:
You are not late in life.God is simply writing your story differently.
Love and Care,
Mrs. Pammy
Sa Anino ng Aking Kaalaman
May yabang ang liwanag na hawak ko—
isang apoy na matagal kong inakalang araw.
Pinainit nito ang aking paniniwala,
ngunit unti-unting sinunog
ang mga bahaging dapat sana’y natuto.
Sa bawat pagtanggi kong maituwid,
may bahagi sa akin na tahimik na namamatay—
hindi sa sakit ng pagkakamali,
kundi sa takot na amining ako’y mali.
Ang pagwawasto’y tila patalim sa dilim,
humihiwa sa laman ng aking ilusyon.
At doon, sa pagitan ng kirot at katahimikan,
sumisilip ang katotohanang matagal kong ikinubli.
Sapagkat ang hindi marunong yumuko
ay unti-unting nagiging bato—
matigas, malamig,
at walang kakayahang tumibok.
Ano ang silbi ng talino,
kung ito’y kulungan?
Ano ang halaga ng kaalaman,
kung ako rin ang nakakadena?
Kaya’t sa gabi ng aking pagbasag,
ako’y napapabulong sa kawalan:
“Wasakin Mo ako—
huwag Mo akong hayaang manatiling buo
kung ang kabuuang ito’y kasinungalingan.”
Sapagkat sa pagkawasak ko lamang
maririnig ang tinig na hindi ko mapatahimik—
na ako’y hindi pa tapos likhain,
na ang dilim na kinatatakutan ko
ang siyang pintuan ng aking pagbabago.
“Iba na ang Laban” (Mas Matindi)
Hindi na ako ang dating ako—
‘yung kumakapit sa galit
na parang iyon lang ang sandata,
‘yung sumisigaw sa mundo
na para bang may makikinig sa pagod kong kaluluwa.
Dati, akala ko lakas ang hindi pagsuko—
na ang tunay na mandirigma
ay ‘yung hindi lumuluhod.
Pero mali—
dahil may mga laban na kahit anong tapang mo,
ikaw pa rin ang dudurog sa sarili mo.
Ngayon—
kapag masakit, hindi na ako sumasabog,
lumuluhod ako.
Hindi para tumakas—
kundi para aminin
na hindi ako Diyos ng sarili kong gulo.
Kapag mas lalong masakit,
mas lalo kong binibitawan—
dahil natutunan ko,
hindi lahat ng hawak mo
dapat mong ipaglaban.
May mga digmaan
na hindi sinasadya para mapanalunan—
kundi para ipasa
sa Mas Malakas kaysa sa’yo.
At oo—
naiiyak pa rin ako,
nasasaktan pa rin ako,
pero hindi na ako nakikipagpatayan
sa laban na matagal nang tapos.
Hindi na ako nagpapanggap na kaya ko lahat—
dahil ang totoo,
yung mga gabing halos hindi na ako makahinga,
doon ko natutunang ang pag-asa
ay hindi sa sarili ko nanggagaling.
Kung hindi ko kaya—
hindi ko na pipilitin.
Hindi kahinaan ang pagsuko—
kung alam mong kanino ka susuko.
At kung makita ako ng dati kong sarili,
baka isipin niyang duwag na ako—
pero hindi niya alam,
mas matapang ang taong
marunong lumuhod
kaysa sa taong pilit na nakatayo
kahit wasak na wasak na.
Kasi ngayon—
pinipili ko na ang laban ko.
At ang iba…
pinipili kong ipagkatiwala
“Trabaho, Edad, at Pakikitungo”
Alam mo ba kung paano magsimula?
Yung unang hakbang mo sa trabaho—
Hindi ‘yan simpleng pagpasok,
Para ‘yang pakikipaglaban
Nang wala ka pang sandata.
Bitbit mo ang diploma, oo—
Pero sa totoong mundo,
Hindi sapat ang papel
Kung ang kalaban mo
Ay duda sa sarili mo.
“Ang bagal mo…”
“Hindi ka ba marunong?”
“Ganito lang ‘yan, di mo pa magawa?”
Mga salitang hindi lang dumaan sa tenga—
Kundi dumiretso sa puso,
At doon… nanirahan.
Unti-unti kang kinain ng tanong—
“Sapat ba ako?”
“O isa lang akong pagkakamaling nagkataong natanggap?”
Pero hindi ka sumuko.
Kahit bawat araw parang paulit-ulit kang binabasag,
Binuo mo ulit ang sarili mo—
Tahimik.
Walang palakpakan.
Walang nakapansin.
Habang ang iba nagpapahinga,
Ikaw—lumalaban pa rin,
Kahit pagod ka na,
Kahit ubos ka na.
At habang tumatagal…
Napansin mo—
Hindi lang trabaho ang nagpapagod sa’yo,
Kundi mga taong akala mo kakampi mo.
Yung ngiting may kasamang panlalamang,
Yung tulong na may kapalit,
Yung respeto—
Na ibinibigay lang kapag may pakinabang ka.
Doon ka natutong tumahimik,
Hindi dahil wala kang sasabihin—
Kundi dahil pinili mong ‘wag nang lumaban
Sa laban na hindi mo naman dapat sinimulan.
At habang nadadagdagan ang edad mo,
Mas lalong luminaw ang katotohanan—
Hindi lahat ng matagal, magaling.
Hindi lahat ng mataas, marangal.
At hindi lahat ng mabait sa harap mo,
Totoo sa likod mo.
Pero alam mo kung ano ang mas matindi?
Sa kabila ng lahat—
Pinili mong maging mabuti.
Pinili mong umintindi
Kahit ikaw ang hindi maintindihan.
Pinili mong rumespeto
Kahit minamaliit ka na.
Pinili mong magpatuloy—
Kahit walang kasiguraduhan kung saan ka dadalhin.
Kaya kung pagod ka na,
Kung pakiramdam mo wala kang nararating—
Tingnan mo kung sino ka ngayon.
Hindi ka na yung taong takot magsimula.
Hindi ka na yung taong madaling masaktan.
Ikaw na yung taong—
Kahit sugatan,
Kahit pagod,
Kahit tahimik—
Lumaban.
At patuloy na lumalaban.
Dahil sa mundong puno ng kompetisyon at pagkukunwari,
Ang manatiling totoo—
Iyon ang pinakamahirap…
At iyon ang pinaka-matapang😍
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Butuan City