Aspiring Book Author: Fel Santos

Aspiring Book Author: Fel Santos

Share

Hi! I’m Fel and I enjoy writing books especially at this time of year; it fills me with joy. ✨

12/08/2026

Inspirational Love Story

“Hiwaga Ng Pag-ibig”

Part #3

Dumiretso sa kanyang silid si Axel, at napaupo siya sa isang bahagi ng ding ding ng kanyang silid.

Napa kuyom ang kanyang mga kamay, habang may gumuhit na luha sa kanyang mga mata. Naalala niya kasing bigla ang kasintahan na si Rachel.

Dalawang buwan mula ng iwan siya ng nobya. Nagpunta ito sa America upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Flashback…

“What Rachel? you mean to say sasama ka pa rin sa tita mo sa States?” gulat niyang tanong kay Rachel

“Yes, and I'm sorry Axel.” nakayukong sabi ng dalaga

“Pero Rachel di ba napag-usapan na natin ito?” tanong ni Axel na hindi maintindihan kung magagalit ba o makikiusap sa kasintahan

“Oo nga Axel, pero…” natitigilan pa rin ang dalaga

“Pero ano?” ulit muli niya

“Axel please try to understand, unawain mo naman sana ako. Naisip ko kasi na ito na yung chance ko na makapag-aral sa States, and I just only want to grab the opportunity and you should be happy for me.” aniya

“Masaya? paano kong magiging masaya kung alam kong magkakalayo naman tayo.” katwiran niya

“Pero, it's just a few years, Axel.” katwiran pa ng dalaga

“A few years? then tell me how many years? tatlong taon, apat?” at biglang na lamang napaluha ang binata

“Well you can't blame me! pangarap ko na ito, eh ikaw hindi ko nga alam kung may pangarap ka pa.” sigaw nito

“And what do you mean?” tanong niya na naguguluhan

“Why don't you look at yourself? huminto ka na nga sa pag-aaral mo.” naiinis nitong sabi

“Oo nga, pero hindi ibig sabihin non, dito na lang matatapos ang mga pangarap ko. Di ba malinaw sayo na mag-aaral nga ako next year sa kursong gusto ko.”

“Ewan ko sayo Axel.” maikling sagot ng dalaga habang nakatingin lamang sa kanya

Hinawi naman ni Axel ang mga luha sa kanyang mukha dahil parang gusto niyang kalimutang bigla ang sakit na kanyang nararamdaman.

At hinarap niya ang nobya.

“Alam mo pwede ka naman mag-aral dito sa Manila eh, kung gusto mo lang talaga. Now tell me alin bang mas matimbang sayo, ang pag-alis mo o ako?” malungkot niyang tanong

Tinitigan siya ni Rachel bago muling nagsalita.

“Huwag mo na akong hintayin sumagot pa Axel, masasaktan ka lang.” sagot ni Rachel

At tinalikuran siya ng dalaga.

“Umph!” malakas na hinampas ni Axel ang harapan ng kanyang kotse

Gusto niyang manghinayang dahil minahal niya si Rachel at sa loob ng dalawang taon nilang mag kasintahan ay ibinuhos niya lahat ng kanyang pagmamahal.

Ngunit bakit ganun? tanong ng kanyang puso, parang balewala pa rin ito sa dalaga.

Mas pinili nito ang kanyang kagustuhan na mag-aral sa ibang bansa.

Mga pangarap na hindi siya kasama sa huli.

Samantalang si Abby sa probinsya, dala pa rin niya ang bigat sa kanyang dibdib.

“Hu.. hu.. hu.. paano mo nagawa sakin ito Tristan akala ko ba mahal mo ako? may… may mga bagay din akong gustong, gustong matupad tulad mo.” sambit niya habang umiiyak

“Pero sinira mo, sinira ng pagtitiwala ko sayo.” mahinang sambit ng dalaga

At sumubsob siya sa unan umaasa na mababawasan ang sakit na nadarama.

Matapos ang dalawang buwan ay hindi maintindihan ni Axel kung paano siya nakumbinsi ng mga magulang sa gusto nilang mangyari.

Ngayon ay nakaharap sila sa isang judge upang mag-isang dibdib at kasama niya ang babaeng ngayon pa lamang niya nakilala.

“You may now kiss the bride.” nakangiting sabi ng judge

Ngumiti lang ang binata at tumingin sa kanyang bride sa halip na sundin ang sinabi ng judge.

Hindi naman nagtaka si Abby, sa isang estranghero na tulad ni Axel ay ayaw din niyang mahalikan nito, ni mahawakan man lang.

Matapos ang isang araw ng kasal… ng kanilang pagkukunwari na sila ay tunay na nagmamahalan ay oras na ngayon para harapin nila ang bagong yugto ng kanilang buhay.

Ang buhay mag-asawa.

Umiiyak si Abby sa harap ng kanyang ina, habang nagpapaalam.

“Abby anak basta lagi mong tatandaan yung mga bilin ko sayo ha. Maging mabuti ka lamang asawa sa kanya.” habilin ni aling Liza

At mahigpit niyang niyakap niya ang anak.

“Huwag kang mag-alala darating din ang araw na matutuhan mo siyang mahalin.” dugtong pa nito

Lumapit naman si Cherry, ang bunso niyang kapatid.

“Ate, kumuha ulit tayo ng santol pagbalik mo dito ha?” ani Cherry

“Ah,oo bunso, huwag kang mag-alala babalik din agad si ate ha.” pilit na pinalakas ni Abby ang kanyang loob sa harap ng kapatid

Nilingon ni Abby si Axel, at natanaw niya ito na inilalagay na sa kotse ang kanyang mga gamit.

Labag man sa kalooban niya ang desisyon ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa hindi naman niya kakilala ay wala siyang magawa.

Kailangan niyang magtiis alang-alang sa kahihiyan ng kanyang pamilya.

12/08/2026

CLOSURE..

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng “closure”?

Para sa akin hindi ito yung nakalimutan mo na, kundi yung natanggap mo na at pinili mo pa ring maging okay.

Closure.. is when the story Ends in your ❤ ️ heart, even if it never ended the way you wanted.

Pagtanggap - “Nangyari na hindi na mababago”

Pagpili sa sarili - “Masasaktan, pero pipiliin na gumaling”

Katahimikan - “Yung di mo na kailangan ng sagot para maging okay ka”

Pag-alis ng bigat - “Naalala pa pero hindi na masakit”

Closure is not forgetting, it is remembering without pain.

Psalm 34:18

The LORD is close to the broken hearted and saves those who are crushed in spirit.

Para sa inyo ano ang closure?

Comment down 👇 below and express what you feel ☺️

11/08/2026

“My Chubby Girlfriend”

Part # 2

Minsan inaya kong ngang kumain sa isang resto ang aking si Nadine at laking gulat ko ng..

“Talaga ba, isang palabok lang ang order mo?” tanong ko

“Oo bakit, nagtataka ka ba?” sabi niya

“Ha? h-hinde, ang sakin lang eh, baka hindi ka makatagal, este baka magutom ka, manonood pa tayo ng sine eh.” paliwanag ko

“Nang-aasar ka yata eh.” tila ba nagtatampo na wika ni Nadine

“Naku hindi noh!” pagtanggi ko sa sinabi niya

Pero sa isip ni Nadine ay marami siyang kinakain tulad ng dati kahit magkasama pa sila.

“Hirap ding magpigil, aray!” bulong ng isip ng dalaga

At naupo nga si Nadine sa silya na naroon.

Pero bakit nga ba ako biglang kinabahan? baka kasi masira ang silya, magbayad pa ako 😉

“Ahahayy..” sa isip ko

Pero balik tayo sa mahal kong si Nadine.

“Ang totoo kasi eh, nag re reduce ako ngayon.” pag-amin niya

At laking gulat ko sa sinabi niya.

“Eh bakit mukhang malungkot 🤔 ka yata?” tanong ng isip ko

“Talaga ba? pero oo nga, parang napansin ko medyo pumayat ka.” sabi ko

Bigla siyang napangiti, sabay tumingin sa akin.

“So effective? at masaya ka kasi hindi na kita ubusan ng pizza?” sambit ni Nadine

Pero syempre need kong magkunwari sa harap ng girlfriend kong chubby pero mabait at cute pa rin. 🥰

“Of course not, willing akong ibili ka kahit na ilang kahon na pizza pa yan.” plastic 🤔 bulong ng malikot kong isip

Matapos kaming kumain ay nanood naman kami ng sine.

At parang gusto ko na talagang maniwala na nag re reduce siya ha. Infairness hindi niya kasi inubos ang popcorn🍿na binili ko.

Seryoso lang akong nanood, kasi like ko ang movie na pinili namin syempre.

Nang biglang..

Ahahay.. ano ba yan?
Sundan 😂

11/08/2026

Hindi lahat ng sakripisyo, napapansin..

Hindi lahat ng pagtitiis may kapalit..

Isang ina..
Isang pamilya..
Isang asawa na puno ng pagkukulang..

Kaya ba niya itaguyod lahat ng mag-isa?

Tuklasin natin ang buhay at pakikipagsapalaran ng isang ina, na minsan ay nangarap magkaroon ng maayos at masayang pamilya.

You can Read and Support my story by: DOWNLOADING DREAME APP and Click FOLLOW TO READ 📚
👇👇👇

https://m.dreame.com/novel/479550720

Thank you so much! 💖

📖 Ang Minsan Kong Pinangarap
Author: Santos E. Fely ✨✨✨

And there are still many more stories here filled with lessons and inspiration for life.

10/08/2026

Inspirational Love Story:

“Hiwaga Ng Pag- ibig”

Part #2

“Buntis ako Tristan” malungkot na sabi ni Abby

“What buntis ka?” gulat na tanong ni Tristan

“Narinig mo naman sinabi ko di ba?” sagot ni Abby habang nangingilid na ang luha
sa kanyang mga mata

“Pero, pero Abby you don't understand, paano ng mga pangarap natin? ako, anong sasabihin sakin ng parents ko?” sunod sunod na tanong ng binata

Agad namang bumagsak ang mga luha ng dalaga ng hindi na niya mapigilan ito.

Napahawak naman sa kanyang noo si Tristan, habang nag-aalala.

Ngunit wala ng nais sabihin pa si Abby, sapat na sa kanya ang inasal ng nobyong si Tristan.

Alam niyang may bigat ito sa dibdib na tanggapin ang sitwasyon na meron sila ngayon.

Walang choice si Abby kung hindi ipagtapat ang totoo sa kanyang mga magulang.

“Wala kang isip na bata ka umph!” sigaw ni mang Nestor sabay sampal sa mukha ng anak

Umawat naman ang kanyang asawa na si Liza.

“Ano ba Nestor, nasasaktan ang anak natin, ano ba!” sigaw ni Liza sa asawa

“Talaga! talagang masasaktan siya sa akin kapag hindi niya sinabi kung sinong ama ng dinadala nya!” sigaw ng kanyang ama

“Pwede ba Nestor, maghunos dili ka nga muna. hindi nadadaan lahat sa galit, pwede namang pag-usapan ang lahat ng mahinahon.” ani aling Liza

“At sinong hindi magagalit sa anak mo ha? hoy Abby kahit mahirap lang tayo ay iginagalang ako sa lugar na ito at wala pang lumapastangan sa akin!” anito

Hindi mapigil ni Abby ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata dahil sa masakit niyang pisngi dulot ng pananakit sa kanya ng kanyang ama.

Ngunit kung mayroon mang mas higit na masakit sa kanya ngayon, iyon ay ang kanyang puso.

Masakit isipin na ngayon lamang siya nasaktan ng kanyang ama simula pagkabata.

“Naisanla ko ang bukid ko dahil sayo! pagkatapos ito lang ang gagawin mo. Kailangan may managot sa nangyari sayo, hindi ako papayag na tawagin kang dalagang ina!” sabay talikod ni mang Nestor

At higit na masakit sa kanya ang mga sinabi ng kanyang ama. Bawat hibla ng mga salita nito ay para bang karayom na tumutusok sa puso niya.

Isang linggo ang lumipas ng makaharap nila ang pamilya ni Tristan.

“Wala,wala na dito si Tristan, wala na dito ang hinahanap ninyo.” wika ni Gina ang mama ni Tristan

“At saan ninyo siya itinago? ilabas ninyong anak ninyo, kung ayaw ninyo ng gulo!” galit na sabi ni mang Nestor

“My God what the hell is this?” ani Gina

“Hindi namin itinatago si Tristan totoong lumayas siya kahapon.” sagot naman ni Ramil ang papa ng binata

“At sino ang mananagot sa anak ko ha? paano na lang ang kahihiyan namin. Binabalaan ko kayo, kapag hindi lumitaw ang Tristan na iyan, idedemanda ko kayo!” galit na sabi ng ama ni Abby

Samantala, nilisan ng pamilya ni Abby ang tahanan nila Tristan na walang maayos na kasunduan.

At isang desisyon ang nabuo sa isip ng mag-asawang Gina at Ramil, upang makaligtas sa posibleng gulo sa kanilang pamilya.

“What ma! ako?” gulat na gulat si Axel ng mga sandaling iyon

“Yes, tama ang narinig mo sa iyong mama.” sagot naman ni Ramil

“Pero ma, pa, bakit ako? kasalanan yon ni kuya, pero bakit kailangan ako ang magbayad?” pagtutol pa rin ni Axel

“Hoy Axel, huwag kang magsalita ng ganyan sa kuya mo!” ani Gina sa anak

Sa pagkakataong ito ay napa padyak na si Axel sa sahig.

“Eh totoo naman eh Jusko! kaya nyo pala pinapunta ng Cebu si kuya dahil sa may tinatakasan siya?” angal ng binata

“Axel, alam mo naman na hindi pwedeng masira lang ng ganun ang pag-aaral ng kuya mo ng dahil lamang sa… ng dahil lamang sa babae na yon!” ani Ramil

Napahawak naman si Axel sa kanyang noo, sabay sabi na…

“Sus!”

“Hoy Axel baka nakakalimutan mo, ang dami mo ng kasalanan sa amin. Pinag-aaral kita, anong ginawa mo? binagsak mo lahat ng subjects mo.” sabi ng kanyang papa

“Pero pa, alam mo naman ng ayaw ko ng kursong medicine eh, hindi ako si kuya.” katwiran ni Axel

“At anong gusto mo yung mag drawing ka na lang? anong mangyayari sa fine arts na gusto mo?” tanong ng kanyang papa

“Tama ang papa mo Axel.” si Gina

“This is the right time para makabawi ka naman sa amin Axel sa lahat ng mga pagsuway mo sa amin.” dugtong pa ng kanyang papa

“Ah basta ayoko! hindi ako papayag sa gusto nyo, hindi ako magpapakasal sa babaeng iyon.” at tinalikuran niya ang mga magulang

“Axel!” sigaw ng kanyang mama ngunit waring walang narinig ang binata.

Abangan ang part #3
Salamat

10/08/2026

Love your dogs..

Kasi tayo lang ang meron sila sa kanilang buhay.

Kaya habang nandito pa sila, ipadama natin ang ating pagmamahal.

Dogs give unconditional love 💕 in return.

09/08/2026

Inspirational Love Story:

“Hiwaga Ng Pag-ibig”

Kaya mo kayang mahalin ang isang taong ngayon mo lang nakilala?

Mahirap, pero paano kung ito ang itinakda saiyo ng kapalaran?

Halina na at ating tunghayan ang hiwaga ng isang pag-ibig.

Part #1

Pinilit ng mga magulang ni Abby na mapag-aral siya sa Maynila, kahit medyo kapos sila sa buhay at pagsasaka lamang sa bukid ang tanging hanapbuhay ng kanyang ama na si mang Nestor. Habang ang kanyang ina na si aling Liza ay nagtitinda naman ng isda sa palengke.

Panganay sa tatlong magkakapatid si Abby, at may angkin siyang talino kung kaya't hangad ng kanyang mga magulang na makapagtapos siya ng pag-aaral.

“Abby anak, etong allowance mo ha, pang dalawang linggo mo na yan. Magpakabait ka sana doon sa tita Melay mo ha.” ani aling Liza sa anak

“Oho inay, wag na ho kayong mag-alala sa akin uuwi naman ho ako madalas.” tugon naman ni Abby

“O siya anak basta’t pagbutihin mo lamang ang pag-aaral mo sa Maynila” dugtong naman ni mang Nestor

Kapatid ng kanyang ina si Melay at dito muna siya tutuloy pansamantala habang siya ay nag-aaral.

Nag-aral ng mabuti si Abby sa Maynila at hindi siya nawala sa mga nasa honor. Nagsumikap siya bilang ganti sa hirap at pagod ng kanyang mga magulang.

Mahirap lamang sila, ngunit masaya sila at puno ng pagmamahalan ang kanilang pamilya.

Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon ay nasa second year college na nga si Abby sa kursong nursing.

Minsan ay inimbitahan siya ni Carol, ang kanyang bestfriend sa kaarawan nito. Dito niya nakilala ang pinsan nitong si Tristan, ang lalaking babago sa kanyang buhay.

“Abby siya nga pala si Tristan pinsan ko.” ani Abby

“Hi, kumusta?” nakangiting bati nito, sabay abot sa kanyang kamay

“Ha? ah, o-okay lang salamat” gulat na sagot ni Abby

Nang gabing iyon, pakiramdam ni Abby ay parang ice cream na siyang malulusaw sa mga titig sa kanya ng binata.

At nang siya ay magpaalam ng umuwi sa kaibigan niyang si Carol ay nag offer agad ang binata na ihatid siya nito.

“Ah,eh, sige medyo gabi na rin eh” sagot niya

At tulad ng inaasahan ni Carol ay lumigaw nga ang kanyang pinsan kay Abby.

“Ano ba yan Tristan? mukhang tinamaan ka talaga sa kaibigan ko ah!” tukso ni Carol

“Oo nga eh, tinamaan talaga ako sa kanya. Iba siya sa lahat ng nakilala ko.” nakangiting sambit nito

“Eh may pag-asa ka naman kaya?” nakangiting tanong ni Carol

Nagkibit balikat naman ito bago sumagot.

“Sana”

Lumipas pa ang ilang mga buwan at lalong naging masigasig sa panliligaw si Tristan kay Abby dahil hindi lamang sa maganda ito, kung hindi sobrang bait din ang dalaga at mapagkumbaba. Isang katangian na hinahanap ni Tristan.

Isang araw ay nagulat pa si Abby ng makita ang binata sa kanilang University.

“Hi” maikling bati nito

“Uy Tristan! anong ginagawa mo dito?” gulat nitong tanong

“Eh di sinusundo ka, di ba uwian nyo na?” nakangiti nitong sabi

“Ha? eh kasi may..” hindi na natuloy pa ni Abby ang sasabihin

“Actually, ayain na rin sana kitang mag merienda dyan sa may cafe kung okay lang.” sabi ng binata

“Eh ano pa nga ba magagawa ko? nandito ka na.” sagot ni Abby habang napapailing

“Yes! makakasama na rin kita kahit sandali.” tuwang tuwang sabi ng binata

Napatingin na lamang sa kanya ang dalaga at sa isip ni Abby ay malaki talaga ang gusto sa kanya nito.

Tatlong buwan pa ang lumipas ng magdesisyon si Abby na tanggapin na ang pag-ibig ni Tristan.

At pareho silang naging masaya ngunit sa isang bahagi ng isip ni Abby ay may naiwan na isang tanong.

“Hindi kaya magalit sakin sila inay at itay kapag nalaman nila na may bf na ako dito sa Maynila?” bulong ng isip niya

Ngunit ang ipinakitang kabaitan ni Tristan sa kanya ay sapat na upang mahalin niya ito. Kaya't sinunod niya ang kanyang puso.

Bukod sa kanyang mga magulang ay ginawang inspirasyon din ni Abby si Tristan sa kanyang mga ginagawa kaya't lalo pa niyang pinagbuti ang kanyang pag-aaral.

At sa tuwing umuuwi siya sa Nueva Ecija ay tumutulong naman siya sa kanyang ina sa pagtitinda sa palengke.

Tuluyang pang lumakad ang panahon ngayon ay nasa fourth year college na si Abby.

“Alam mo love swerte ka talaga sa buhay ko, imagine ang hirap ng exam namin kanina pero almost na perfect ko na yata.” masayang kwento ni Tristan sa kasintahan

“Ows! talaga ba almost perfect ka sa exam nyo kanina?” natatawang tanong ni Abby

“Oo naman love at alam mo ha kapag naging doktor na ako, ikaw naman ang magiging nurse ko di ba?” sambit nito

“Oo nga no? ikaw ang doktor at ako naman ang nurse.” sagot naman ni Abby

Kahit naging patago ang kanilang relasyon ay naging maligaya pa rin sila sa isa't- isa.

Hanggang sa…

Abangan po ang ating second part..

24/03/2026

Inspirational story:

Sino nga ba ang hindi nagkakamali sa kanyang desisyon kung minsan?

Ngunit ang mahalaga ay may pagkakataon pa na baguhin ang lahat..

“HISTORY REPEAT ITSELF”

NARRATOR: Blas had been thinking a long time about how to tell his father about marrying his girlfriend Fiona.

BLAS: Father, I want to marry Fiona so we can be together.

DODONG: What? But son, you're still young, and what about your studies? you have a lot of things you can do.

BLAS: But father, I don't want to study anymore. I'll continue helping you on the farm. And I know I can handle the responsibility.

NARRATOR: And suddenly, Dodong remembered his past and felt sad in his heart.

TEANG: Blas, your father is right. Think about it carefully.

BLAS: But mom, even if you say I'm young, I know I'm ready. I love Fiona and I will marry her.

NARRATOR: One day Carlo (his friend) saw him looking sad, that's why he decided to talk to him.

CARLO: Blas is everything ok? Maybe I can help you.

(Malungkot na tiningnan ni Blas ang kaibigan)

BLAS: My parents don't want me to marry Fiona.

(Nagkibit balikat naman si Carlo)

CARLO: Well I guess, they're thinking about your future Blas.

BLAS: But why can't they understand? I will work hard on the farm like they did.

(Napailing na lamang si Carlo, sabay hawak sa balikat ng kaibigan)

CARLO: Whatever you decide, I'm here for you friend.

NARRATOR: And Blas stood firm. His parents eventually agreed even though it hurts them and worries their son. After all the preparation, four months later Blas and Fiona got married.

And Blas kept his promise to himself and to Fiona, he worked hard on the farm with his father.

After a year, Blas and Fiona had a baby boy named Carl.

One afternoon Blas came home tired and hungry. He called his wife Fiona.

BLAS: Fiona.. Fiona.. please make me some coffee.

(Ngunit nagmamadaling tumakbo si Fiona papunta sa kanya)

FIONA: Blas! Our son has a high fever! We need to take him to the hospital in a hurry.

BLAS: What?

(At nagmamadali nilang dinala sa ospital ang bata)

NARRATOR: Two days later, Blas saw Fiona alone and crying.

BLAS: Why are you crying Fiona?

FIONA: Blas, don't you see? We can't afford a good hospital for our son because we have no money.

(Patuloy na umiiyak si Fiona)

BLAS: But I worked hard on the farm and did my best! Don't you see?

(Fiona, tumingin ng galit kay Blas)

FIONA: But it's not enough!

BLAS: What do you want me to do?

(Dumating ang kanilang mga magulang at nakita silang nagtatalo)

TEANG: Will you please stop fighting, and let's help each other instead.

DODONG: BLAS, let's find a way to help your son.

NARRATOR: One month later, Carl recovered but life was still tough for Blas and Fiona. They wondered if they made a mistake upon getting married so young.

One day, while Fiona walked home she saw a crowd of people.

FIONA: Huh! What's going on? Why are there so many people there?

NARRATOR: She approached the hall and saw her former teacher, Mrs Reyes speaking.

Mrs. REYES: Our advocacy is to provide financial and moral support to those who want to continue their education. It's a free program from the government.

NARRATOR: Fiona listened until the meeting was finished, then turned to leave. When she heard a voice calling her.

Mrs. REYES: Fiona! Fiona!

(Nahihiya siyang lumingon dahil alam niyang si Mrs. Reyes iyon)

Mrs. REYES: Fiona it's you! How are you?

(Nahihiya siyang sumagot)

FIONA: Ahm, I'm okay ma'am.

(Napangiti naman sa kanya si Mrs. Reyes bago muling nagsalita ito)

Mrs. REYES: I heard you got married and stopped studying.

(Tuluyan namang napayuko si Fiona)

Mrs.REYES: Don't be shy Fiona and don't you think it's too late for you. There's a lot of opportunities waiting for you, you're young and smart.

FIONA: Thank you ma'am

(Hinawakan ni Mrs.Reyes ang kanyang kamay)

Mrs. Reyes: I will be happy to see you in our program Fiona. Good luck!

(Malungkot na tumango si Fiona)

NARRATOR: As she walked, she can't avoid thinking about her teachers words and remembering her past advice.
She wished she had listened, instead of following her heart.

Two weeks later before the program will start, Fiona decides to study again. She told Blas and he supported her.

It was tough for Fiona balancing school.. being a mom to her son.. and being a wife to Blas.. but she never gives up, hoping that she can make it.

Four years later, after so much suffering she graduated with honors as an accountant.

With the help of her scholarship and people who loved her, she became successful.

And on her big day (graduation)
the people who believed in her were there.

And everyone congratulated her..

“Congratulations”

BLAS: Congratulations Fiona! You didn't give up, despite all the struggles and hardships.

FIONA: Thank you Blas, for your support. Now it's your turn Blas, I’ll help you achieve your dreams like you help me.

BLAS: What do you mean?

FIONA: You say, you also want to continue your study before and I'm here to support you. I will help you to achieve your goals, like you supported me.

(Napangiti si Blas sa narinig)

BLAS: Thank you Fiona.

FIONA: You're always welcome Blas.

NARRATOR: Fiona was sure they will have a bright future now with Blas. And she's happy thinking that all their hard work was paying off.

Life is full of mistakes, but what is important is we learn from them and move forward.

We’re not perfect and that's okay – it's what makes us human.

But the beautiful thing is we were given hope… a chance… a chance to start anew and make things right. Even if
“History Repeat Itself”

Photos from Aspiring Book Author: Fel Santos's post 03/01/2026

Sa mga gustong ma inspire at makapulot ng magandang-aral sa buhay pwede po kayong makinig sa..

"Qwentong tinig" on YouTube Channel. 🥰




ctto

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Poblacion
Calumpit
3003